Payo sa pagsulat ng pamagat Penyiaran jaluran : Parrot
| Parrot Sepanyol Local time: 09:34 Bahasa Sepanyol hingga Bahasa Inggeris + ...
Payo sa Pagsulat ng Pamagat
o
Payo Sa Pagsulat Ng Pamagat?
Bilang paliwanag, naisipan kong itanong sa inyo sanhi ng isa pang "filmfest" na itatanghal dito, sa lungsod ng Granada. Ang nasasakop na taon ay magmumula sa 1970, subalit may iba pang mga pamagat ng pelikulang binabanggit mula noong 1912 ("Walang sugat" o "Walang Sugat"? "Silent movie" pa ang mga pelikula noon at ito ay kinakanta sa sinehan ni Atang dela Rama.)
Nag-aalinlangan ako dahi... See more Payo sa Pagsulat ng Pamagat
o
Payo Sa Pagsulat Ng Pamagat?
Bilang paliwanag, naisipan kong itanong sa inyo sanhi ng isa pang "filmfest" na itatanghal dito, sa lungsod ng Granada. Ang nasasakop na taon ay magmumula sa 1970, subalit may iba pang mga pamagat ng pelikulang binabanggit mula noong 1912 ("Walang sugat" o "Walang Sugat"? "Silent movie" pa ang mga pelikula noon at ito ay kinakanta sa sinehan ni Atang dela Rama.)
Nag-aalinlangan ako dahil, sa ating kasaysayan, hindi ito nakataga sa bato. Noong pinalitan ng mga Kastila ang baybayin sa abakadang Latin, ang mga pamagat sa ating panitikan ay sinulat ayon sa mga tuntunin ng wikang Kastila ("Payo sa pagsulat ng pamagat"), na sinusubaybayan din sa iba pang wikang Romansa. Nang dumating ang mga Amerikano, sinunod ang mga tuntunin ng Ingles ("Payo sa Pagsulat ng Pamagat") at ito na ang ating nakagisnan. Subalit sa ibang dako, nakakakita din ako ng mga pamagat na tipong "Tinimbang Ka Ngunit Kulang" (na kahit ang mga panghalip at pang-ukol ay linalagyan ng malaking titik).
Wala sanang problema kung hindi pinalitan ang baybayin (na tulad ng Arabo ay walang maliit o malaking titik) subalit wala na tayong magagawa doon.
Sa palagay ninyo, at ayon sa mga kuro-kurong umiiral, anong tuntunin ang dapat sundin?
Salamat lang sa anumang paglahok...
[Edited at 2010-05-06 10:41 GMT] ▲ Collapse | | | Narito ang aking pananaw: | Feb 2, 2016 |
Sa iyo kaibigang Parrot,
Sa aking pagbabasa-basa at paghahanap ng mga bagay-bagay na magpapayabong ng aking kaalaman sa pagsasalin ay nakatawag-pansin sa aking atensyon ang iyong paksa, bagama't ito'y lubhang laon na. Matapos kong mabasa ang kabuuang nilalaman ng iyong akda ay dagli akong napaisip at nagmunimuni. Nausal ko ang tanong sa aking sarili, "Ano nga ba talaga ang nararapat?".
Dahil sa mabilis na pag-unlad ng siyensya at teknolohiya, abot-kamay na ng kahit sino... See more Sa iyo kaibigang Parrot,
Sa aking pagbabasa-basa at paghahanap ng mga bagay-bagay na magpapayabong ng aking kaalaman sa pagsasalin ay nakatawag-pansin sa aking atensyon ang iyong paksa, bagama't ito'y lubhang laon na. Matapos kong mabasa ang kabuuang nilalaman ng iyong akda ay dagli akong napaisip at nagmunimuni. Nausal ko ang tanong sa aking sarili, "Ano nga ba talaga ang nararapat?".
Dahil sa mabilis na pag-unlad ng siyensya at teknolohiya, abot-kamay na ng kahit sino ang magsulat ng kung anu-ano hinggil sa iba't ibang bagay dahil sa mga makabagong kagamitan sa pagsusulat. At dahil dito, hindi naman sa minamaliit ko ang kakayanan ng ilan nating kababayan dahil ako man ay aminado sa aking sarili na salat parin sa kaalaman, ang ilan sa mga nagsusulat ay walang gabay na ginagamit lalo na sa pagsusulat ng pamagat. Ang mga ganitong bagay ay makapagdudulot ng kalituhan sa mga mambabasa at manunulat lalo na kung babatay lamang ay sa kung alin ang palasak o yaong kadalasang ginagamit.
Sa aking nakasanayan, ang sinusunod kong gabay ay yaong malalaking titik ang simula ng bawat salita maliban sa mga pang-ukol. Ang paliwanag kung bakit ito ang ginagamit ko ay dahil ito na ang aking nakasanayan at ito rin ang siyang aking nakikita sa aking mga nababasa. Ngayon ay nag-aalinlangan ako kung wasto ba ang gabay kong sinusunod o kung ito ba ay wasto at katanggap-tanggap. ▲ Collapse | | | Parrot Sepanyol Local time: 09:34 Bahasa Sepanyol hingga Bahasa Inggeris + ... TOPIC STARTER Maraming salamat, kaibigang Jobert | Feb 2, 2016 |
Kakaunti lamang ang kilala kong makakatalakay sa paksang ito, kaya hindi ako nagulat na walang sumagot. Nagdaan na ang pangangailangan, subalit hindi nawalala ang tanong. Sa palagay ko, mababatay sa kasalukuyang pananaw.
Kung patnugot ka sa pahayagang pang-araw-araw, palagay ko'y susundin mo ang gawa ng ibang pahayagan, na batay sa Ingles. Natauhan lang ako nang nakita ko na, sa unang pag-ambag, ang "Walang Sugat" ay "Walang sugat". (Bagamat ang dula ay masasali sa repertoryo ng kil... See more Kakaunti lamang ang kilala kong makakatalakay sa paksang ito, kaya hindi ako nagulat na walang sumagot. Nagdaan na ang pangangailangan, subalit hindi nawalala ang tanong. Sa palagay ko, mababatay sa kasalukuyang pananaw.
Kung patnugot ka sa pahayagang pang-araw-araw, palagay ko'y susundin mo ang gawa ng ibang pahayagan, na batay sa Ingles. Natauhan lang ako nang nakita ko na, sa unang pag-ambag, ang "Walang Sugat" ay "Walang sugat". (Bagamat ang dula ay masasali sa repertoryo ng kilusang lumaban sa pananakop ng mga Kastila).
Sa madaling salita, sinundan nila ang Latin, na walang malalaking titik. (Nakakapukaw lamang kong isipin mo na ang huwarang Griyego nito ay walang maliliit na titik - sa anu't ano man, noong unang panahon).
Hanggang sa ngayon, sa ating "siyensya at teknolohiya", bumabalik tayo sa Griyego (akala ba nating hango ito sa Ingles?) Nang walang-malay, dahil sunod-sunuran lang.
At sa nakikita ko, nangyayari ito sa lahat ng wika. Mayroong pinagkunan ang lahat ng mga ito, sa iba't-ibang panahon, at kung nakalimutan na (bilang halimbawa, ang utang ng Tagalog sa Sanskrit o Arabo), nananatili ang bahagi ng wikang nagpapadali ng pag-angkop, tulad ng mga panlapi.
[Edited at 2016-02-02 15:25 GMT] ▲ Collapse | | | Tiada moderator ditugaskan khusus untuk forum ini. To report site rules violations or get help, please contact site staff » Payo sa pagsulat ng pamagat No recent translation news about Filipina. |
LinguaCore | AI Translation at Your Fingertips
The underlying LLM technology of LinguaCore offers AI translations of unprecedented quality. Quick and simple. Add a human linguistic review at the end for expert-level quality at a fraction of the cost and time.
More info » |
| Anycount & Translation Office 3000 | Translation Office 3000
Translation Office 3000 is an advanced accounting tool for freelance translators and small agencies. TO3000 easily and seamlessly integrates with the business life of professional freelance translators.
More info » |
|
| | | | X Sign in to your ProZ.com account... | | | | | |